"Tatagalugin ko na nang makuha nyo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.
Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa nyo dahil mukhang yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ nyo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin yung likas na tanga. Pero bahala na.
Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian yon. At public service nga yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso nya. Kung meron man syang dugo, kung meron man syang puso.
Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Rays Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.
Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.
Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, yung amo nyo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing God put me here. Pekeng presidente, pekeng asal presidente.
Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.
Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo nyo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong pisoo borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalosna inaswang ng amo nyo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi nya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?
Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi nyo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin nyo kung gaano karaming bota man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo nyo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.
Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi nyo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano yung gusto nyong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan nyo sa $20,000. Pasalu-saludo pa yang amo nyo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na yang dramang yan. At pasabi-sabi pa ng Annihilate the Abus! Di ba noon pa nya yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako yang amo nyo.
Bukod pa dyan, saan ba nanggaling yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong nyo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo nyo habang kami ay nagdidildil ng asinyung magaspang na klase ha, di yung iodized. Ang tindi nyo, mga pre.
At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa Henry VI ni Shakespeare: First thing we do, lets kill all the lawyers. Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang yon.
Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa nyo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi nyo, kailangan ng amo nyo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe sya? Ngayon pang paalis na syamalinaw na ayaw nyang umalis. Bakit hindi na lang sya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman sya ron.
Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di nyo malulusutan ang bulilyasong ginawa nyo. Para nyo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin nyo yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.
Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa nyo yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutumandi lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagayat pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan nyo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa nyong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.
At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.
Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.
May araw din kayo.
by Conrado de Quiros(Philippine Daily Inquirer, Columnist)










--
You will know who I am when you forget my name...
--
"Professionals built the Titanic
Amatuers built the Ark"
--
the man who hesitates, masturbates!
--
"Professionals built the Titanic
Amatuers built the Ark"
--
the man who hesitates, masturbates!
--
--
"Professionals built the Titanic
Amatuers built the Ark"
Previous Page1234Next Page